Marinerong Pilipino at Sumisip-St. Clare sa winner-take-all

Laro ngayon

(Paco Arena)

3:30 p.m. - Marinerong Pilipino vs BRT Sumisip Basilan-St. Clare

(Finals, Game 3-Best-of-3)

 

MANILA,Philippines — Magbabanggaan sa hu-ling pagkakataon ngayon ang Marinerong Pilipino at BRT Sumisip Basilan-St. Clare para sa misyong maisakatuparan ang pangarap nilang unang kampeonato sa umaatikabong Game 3 ng 2019 PBA D-League Foundation Cup best-of-three Finals sa Paco Arena sa Maynila.

Magpapangbuno ang Skippers at Saints sa alas-3:30 ng hapon at kung sinuman ang makalusot ay tuluyan nang mahahagkan ang kanilang unang titulo sa D-League.

Matapos maging underdog papasok sa Finals, pumabor na ngayon sa St. Clare ang serye nang silatin ang Marinero sa Game Two, 74-60 upang manatiling buhay sa race-to-two titular showdown.

Subalit higit doon, napigilan ng Saints ang tangkain ng Skippers na ma-ging ikatlong koponan sa D-League history na nakakumpleto ng sweep sa buong conference – bagay na nagbigay ng kumpiyansa kay head coach Stevenson Tiu papasok sa sudden-death Game 3.

“Hopefully this time ma-break naming ‘yung jinx,” ani Tiu na nagkasya lang sa pares ng runner-up finishes kasama ang dating team na Che’Lu noong nakaraang season. “Sabi ko lang sa kanila na take natin itong opportunity na ito so sana makuha namin itong Game 3.”

Sasandal si Tiu kay Game 2 hero na si Jessie Collado kasama sina Joshua Fontanilla, Junjie Hallare, Mohammed Pare, Hesed Gabo, Cris Dumapig at Jhaps Bautista..

 

Show comments