Gilas women sasalang uli
JBulanday (Pang-masa) - October 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasalang ulit sa isang bigating torneo ang Gilas Pilipinas women bilang pinal na bahagi ng pagha-handa para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Nobyembre.

Sasali ang mga Pinay cagers sa FIBA Women’s Olympic Qualifying Tournament para sa Asia-Oceania region sa Nobyembre 14-17 sa hindi pa natutukoy na venue, dalawang linggo bago sumabak sa SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11 dito sa bansa.

Inanunsyo na ng International Basketball Federation (FIBA) ang walong koponan na hahatiin sa dalawang grupo ng Pre-Qualifiers na magiging basehan kung sino ang kakatawan sa Asia-Oceania sa gaganaping Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon para sa 2020 Tokyo Olympics.

Ka-grupo ng Nationals sa Pool A ang Korea, New Zealand at China habang nasa Pool B naman ang Japan, Australia, Chinese Taipei at India.

Nakasali sa naturang major tournament ang Gilas women matapos manatili sa elite Division ng FIBA Women’s Asia Cup na ginanap sa India nitong nakaraang linggo.

Ito na ang ikatlong malaking torneo na sinalihan ng Filipina ballers matapos ang Women’s Jones Cup noong Hulyo sa Taiwan at ang katatapos lang na FIBA Wo-men’s Asia Cup.

Bahagi ang lahat ng ito ng preparasyon ng Gilas sa pangarap na sa wakas ay maibulsa ang titulo sa women’s basketball sa SEA Games.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with