Ateneo 6-0 na

Si Ange Kouame ng Ateneo laban kay Alex Diakhite ng UE.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Ipinadama ng Ateneo Blue Eagles na sila ang defending champion matapos mag-init sa third quarter upang igupu ang UE Red Warriors, 86-68 para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo habang walang awang inilublob ng NU Bulldogs ang FEU Tamaraws, 61-39 sa pagpapatuloy ng season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall Of Asia sa Pasay City.

“They (UE) came out with a good game plan. They obviously took notes watching us play. They used some counters to some of our defensive tactics which were effective particularly in the first half,” ani coach Tab Baldwin. “The third quarter was the kind effort I wanna see in the team all the time. They played with some fire, some determination.”

Nagsanib puwersa sina Ange Kouame, Will Navarro at Adrian Wong sasa 14-0 run sa third quarter sa 17 point lead, 57-40.

 Pinalawak pa ng Blue Eagles ang kanilang kalamangan sa 22 puntos, 69-47 sa likod ng tres ni Adrian Wong, 52.3 segundo ang nalalabi sa naturang yugto tungo sa panalo para lalong ibaon ang Red Warriors sa 1-5 marka.

Umani si Ivorian big man Ange Kouame ng 16 puntos, 12 rebounds at tatlong supalpal habang 15 puntos, limang rebounds at dalawang supalpal naman kay Thirdy Ravena para sa Blue Eagles. Hindi rin nagpahuli sina Adrian Wong na may 11-puntos.

Sa unang laro naman, naitala ng NU Bulldogs ang kanilang unang panalo matapos ang limang kabiguan.

Tumapos si Dave Ildefonso ng 20-puntos at walong rebounds para sa Bulldogs na iniwan agad ang Tamaraws sa first half upang makuha ang 24 point lead, 37-13 tungo sa kanilang unang panalo sa season at makasosyo ang UE Red Warriors sa seventh spot.

Sa huling laro, isang game-winning triple ang ipinukol ni Juan Gomez De Liano upang takasan ng Fighting Maroons ang DLSU Green Archers, 72-71 na nagpaigting ng kanilang kapit sa ikalawang puwesto sa 5-1 sa likod ng Ateneo Blue Ealges 6-0.

Nagtipak si Kobe Paras ng 21 puntos at 2-rebounds habang 17 puntos at 14 rebounds kay Bright Akhuetie.

Show comments