Ginebra kikilatisan ng Koreans
JBulanday (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makikilatisan ang Barangay Ginebra kontra sa Korean team na Changwon LG Sakers bilang bahagi ng pinal na preparasyon nito sa nalalapit na 2019 PBA Governors’ Cup.

Sasagupain ng Gin Kings ang LG Sakers nga-yong alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa binansagang ‘Asian Basketball Showdown 2’ upang ipagdiwang ang ika-70 taong anibersaryo ng Philippine-Korea friendship.

Nauna nang nagtapat ang Ginebra at Changwon noong nakaraang linggo kung saan yumukod ang Gin Kings sa mga bisita, 90-100.

Ngayon, aasa si head coach Tim Cone na makaka­bawi ang Gin Kings lalo’t ilang araw nalang ay papasimula na ang inaaabangang season-ending conference sa Setyembre 20 sa Mall of Asia Arena.

Mangunguna sa atake ng Kings ang mainstays na sina LA Tenorio, Stanley Pringle, Scottie Thompson, Greg Slaughter at Japeth Aguilar na nagbabalik mula sa kanyang 2019 FIBA World Cup stint para sa Gilas Pilipinas.

Makakasama rin nila ang resident import na si Justin Brownlee na maglalaro para sa Ginebra sa ikalimang sunod na conference.

Bagama’t wala pa ang isang beterano na si Joe Devance matapos na sumailalim sa foot surgery, magbabalik naman sa Kings ang mga dati ring pilay na manlalaro na sina Art Dela Cruz, Jeff Chan at Jared Dillinger.

Makakaharap ng Ginebra ang pamilyar na import na si Vernon Macklin na gigiya sa atake ng LG Sakers.

Matatandaang noong 2013 ay nagsilbing import si Macklin ng Ginebra sa ginanap na Commissioner’s Cup kung saan nakaabot sila hanggang sa Finals bago nga mawalis ng kampeon na Alaska.

Magbubukas ang ikatlong kumperensiya ng PBA sa Biyernes.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with