PBA Rookie Draft sa December 8
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magaganap sa Dis-yembre 8 sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila ang 2019 Annual Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft.

Ito ay ayon sa anunsyo ng PBA kamakalawa na magbibigay sa mga aplikante ng hanggang dalawang buwan upang maihanda ang mga kinakailangang papeles sa kanilang pangarap na makasali sa kauna-unahang pay-for-play league sa Asya.

Nakatakda ang PBA Draft sa kasagsagan ng break ng liga bunsod ng idaraos na 30th Southeast Asian Games dito sa bansa simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kahit may SEAG, magiging abala pa rin ang PBA dahil nakapila ang mga PBA aspirants sa gaganaping PBA Draft Combine sa Dis-yembre 4 at 5 sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong kung saan inaasahang magpapakita ang mga league coaches upang mag-obserba.

Subalit bago makapunta sa PBA Draft, kailangan munang magpasa  ng mga aplikante sa league requirements   na kasama ang mga dokumento para sa kanilang eligibility.

Mayroon hanggang Oktubre 23 ang mga Fil-Foreign players upang makapagpasa ng kanilang requirements habang hanggang sa Nobyembre 29 naman ang para sa mga local players.

Ilan lamang sa inaasahang PBA star prospects ang mga collegiate standouots na sina Alvin Pasaol, Thirdy Ravena, Matt at Mike Nieto, Isaac Go at Santi Santillan gayundin ang mga Fil-Foreigns na sina Franky Johnson, Roose-velt Adams, Mikey Williams, Troy Rike, Jason Brickman at Joshua Munzon.

PBA ROOKIE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with