Argentina, Spain paglalabanan ang World Cup crown

Si Argentina veteran Luis Scola laban sa isang French defender sa semifinals ng 2019 FIBA World Cup.
fiba.com

MANILA, Philippines — Bagong kampeon ang ko­koronahan ngayon sa pagitan ng Spain at Ar­gentina sa finals ng 2019 FIBA World Cup sa Wu­keson Sports Arena sa Bei­jing, China.

Nakatakda ang harapan sa alas-8 ng gabi kung saan parehong ta­tangkain ng dalawang ko­­ponan ang matagal na nilang pagkagutom sa Naismith Trophy.

Huling nagkampeon ang Spain noon pang 2006 sa world cham­pionship kung saan huli rin silang nakapasok sa Finals.

Ang Argetina ay noon pang 1950 bi­lang kauna-unahang hari ng World Cup kaya’t si­guradong gi­gil na mabawi ang korona 69 taon na ang naka­lilipas.

Nakapasok ang Ar­gen­tina sa finals noong 2002 su­balit kinapos kontra sa Yugoslavia.

Inaasahang tatrangko sa atake ng Spain ang 1-2 punch combo nina NBA players Marc Gasol at Ricky Rubio na siyang bumida sa kanilang 95-88 double overtime win kontra sa Australia ka­maka­lawa ng gabi sa se­mifinals.

Humakot ng 33 points at 6 rebounds si Gasol, habang may 19 markers at 12 assists si Rubio na aasa ng suporta mula kina Rudy Fernandez, Willy at Juancho Hernangomez.

Samantala, hindi pa rin inaasahang magiging ganoon kadali ang mis­yon ng Spain lalo’t determinadong Argentina ang kanilang makakaharap na siyang unang koponan sa World Cup na nakaaabot sa Finals nang wala man lang maski isang current NBA player.

Matapos silatin ang pa­boritong Serbia sa quar­terfinals ay dinaig na­man ng Argentina ang France, 80-66, na ma­ta­tandaang tumalo sa bi­ga­ting USA sa quarterfinals din.

Nanguna si dating Houston Rockets center Luis Scola na nagtala ng 28 points at 13 rebounds kahit pa 39-anyos na at retirado na sa NBA.

Aalalay sa kanya sina Gabriel Deck at Facundo Campazzo na may 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, sa pambihirang panalo ng Spain.

Samantala, mag-aa­ga­wan para sa bronze me­dal ang France at Australia sa alas-4 ng hapon.

 

Show comments