^

PM Sports

‘The Kraken’ posibleng hindi maglaro sa Terrific 12

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng hindi makalaro si June Mar Fajardo para sa San Miguel sa papalapit nilang kampanya sa 2019 East Asia League Terrific 12 sa Macau.

Ito ay ayon mismo kay Beermen head coach Leo Austria bunsod ng iniindang injury ng five-time PBA Most Valuable Player awardee.

Natamo ni Fajardo ang naturang injury sa unang la­ban pa lamang ng Gilas Pilipinas laban sa Italy sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Sa kabila ng ankle injury ay buong puso pa ring naglaro si Fajardo para sa bayan sa apat na sumunod pang laban ng Nationals kontra sa Serbia, Angola, Tu­nisia at Iran upang makapagrehistro ng 7.0 points at 5.0 rebounds bilang back-up center ni naturalized player Andray Blatche.

Sa kabila ng iniindang injury ay sasama pa rin si Fajardo sa biyahe ng San Miguel patungong Macau para sa Terrific 12 na nakatakda sa Setyembre 17-22.

Ayon pa kay Austria, mag-uuniporme pa rin si Fa­jardo na game-time decision para sa SMB.

Ibig sabihin nito ay posible pa rin siyang maglaro depende sa recovery ng kanyang ankle injury.

Aalalay kay Fajardo ang solidong core ng Beermen sa pangunguna nina Chris Ross, Alex Cabagnot, one-time PBA MVP Ar­wind Santos, Terrence Romeo at Fil-German Christian Standhardinger.

Wala pang kasiguraduhan kung maglalaro na rin ang sniper na si Marcio Lassiter bunsod ng natamo niyang MCL sprain na dahilan ng hindi nya paglala­ro sa 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals at 2019 FIBA World Cup para sa Gilas Pilipinas.

Makakasama rin nila ang dating Columbian import na si Lester Prosper gayundin si Dez Wells na mag­sisilbing reinforcement nila para sa paparating na 2019 Governors’ Cup.

Kagrupo ng San Miguel sa prestihiyosong invi­ta­tional tournament ang mga Asian ball clubs na Shenzhen Aviators ng Chinese Basketball Association (CBA) at ang reigning Terrific12 champion na Ryukyu Golden Kings ng Japan.

Isa lamang ang Beermen sa tatlong pambato ng PBA sa Terrific 12 kasama ang Blackwater Elite at TNT Katropang Texters.

vuukle comment

TERRIFIC 12

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with