Kumpleto na ang mga imports ng PBA Governor’s Cup
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Opisyal nang kumpleto ang cast ng imports para sa paparating na 2019 PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos pa-ngalanan ng Alaska si Justin Watts bilang replacement import nito kay Branden Dawson na hindi pumasa sa 6’5 height requirement ng season-ending conference.

Dumating na sa bansa ang 29-anyos na international basketball veteran subalit hindi muna naglaro sa 79-92 kabiguan ng Alaska sa Korean team na KCC Egis kamakalawa.

Dating manlalaro ng University of North Carolina Tar Heels si Watts sa ilalim ng legendary coach na si Roy Williams.

Tinulungan niya ang UNC na magwagi ng US NCAA championship noong 2009 su-balit bigong makasampa sa NBA nang maging undrafted noong 2012 NBA Rookie Draft.

Subalit sa kabila noon, hinasa ng 6’5 na si Watts ang kanyang basketball skills sa maraming international pro leagues sa Netherland, Qatar, Lithuania, Switzerland, Ausralia, Mexico, Japan at Uruguay.

Kagagaling lang ni Watts sa Polish League kung saan naglaro siya para sa King Szczecin. Nagrehistro siya ng 9.9 puntos, 3.1 rebounds at 2.8 asssists.

Inaasahan ang ma-laking tulong ni Watts sa bagong bihis na Alaska Aces na hangad ang pagbabalik sa Finals ngayong Governors’ Cup matapos ang runner-up finish sa Magnolia noong nakaraang taon.

Makakasama ni Watts ang bagong manlalaro na sina Maverick Ahanmisi at Abu Tratter gayundin ang beteranong sina Vic Manuel, Jvee Casio, Sonny Thoss at Chris Banchero ng Aces sa ilalim ng bagong mentor na si Jeff Cariaso na pumalit kay long-time mentor Alex Compton.

Isa lamang si Watts sa mga bagong imports ngayon kasama sina KJ McDaniels ng TNT, Dez Wells ng SMB at Khapri Alston ng Columbian.

Babalik naman ang mga resident imports na sina Justin Brownlee ng Ginebra, Romeo Travis ng Magnolia, Eugene Phelps ng Phoenix, Allen Durham ng Meralco, Aa-ron Fuller ng Blackwater, Olo Ashaolu ng NLEX Mychal Ammons ng Northport at Joel Wright ng Rain or Shine.

Sa Setyembre 20 magbubukas ang PBA Governors’ Cup.

 

 

PBA GOVERNOR’S CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with