Blazers ‘di matinag sa liderato sa men’s chess

MANILA, Philippines — Napanatili ng nagde­depensang College of Saint Benilde ang ka­ni­­lang paghawak sa top spot sa seniors division ng 95th NCAA chess tour­nament sa San Beda University.

Bago makakuha ng Round 8 bye noong Linggo ay dinomina muna ng Blazers ang Jo­se Rizal University, 4-0, noong Sabado para ilista ang 23.5 points.

Sa ilalim ng St. Benilde ang San Beda, ti­nalo ang University of Per­petual Help System Dalta, 2.5-1.5 at Letran, 3-1 na may 22 points.

Nasa ikatlong pu­wes­to ang Altas, nauwi sa 2-2 draw ang Arella­no Chiefs sa Round 8, sa kanilang 16.5 points.

Samantala, hindi na­man matinag ang juniors title-holder Perpe­tual Help sa kanilang eight-round total 25.5 points matapos igupo ang San Beda, 2.5-1.5, at Arellano, 3-1.

Nakabangon ang Junior Red Woodpushers mu­la sa Round 7 loss sa Junior Altas sa pamama­gitan ng 3-1 paggiba sa Squires para manatili sa second place bitbit ang 23.5 points.

Pumapangatlo ang Lyceum of the Phi­lip­pines University, ti­na­lo ang Letran, 3-1 at Jo­se Rizal, 4-0, mula sa ka­nilang 22.5 points.

Show comments