Nationals bugbog din sa Serbians
JBulanday (Pang-masa) - September 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagwa­kas ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makapasok sa second round.

Ito ay matapos patum­bahin ng World No. 4 Serbia ang World No. 31 Pilipinas, 126-67, para sa ka­nilang ikalawang su­nod na panalo sa 2019 FIBA World Cup kagabi sa Foshan International Sports and Cultural Center sa China.

Nauna nang nakalasap ang Nationals ng 62-108 kabiguan sa World No. 13 Italy sa Group D.

Parehong may 2-0 record ang mga Serbians at Italians, pinabagsak ang mga Angolans, 92-61.

Nakatakdang sagupa­in ng Gilas Pilipinas ang World No. 39 Angola bukas ng alas-3:30 ng hapon para sa kanilang huling la­­ro sa group stage.

Nahulog ang tropa ni coach Yeng Guiao sa classification round para sa No. 17-32.

Nagawa ng Nationals na kunin ang 9-7 bentahe ba­go maghulog ng 21-4 ata­ke ang mga Serbians sa pagtatapos ng first period.

Matapos kunin ang 62-35 bentahe sa halftime ay lalo pang ibinaon ng Serbia ang Gilas Pilipinas sa 99-48 sa pagtiklop ng third quarter.

Samantala, boto naman si da­ting natura­lized Gilas Pilipinas pla­yer na si Marcus Douthit kay San Miguel import Chris McCullough bilang susunod na naturalized player ng Nationals.

“Chris McCullough should be the next na­tu­ra­­lized big to carry Gilas. Just my thoughts,” wika ng 39-anyos na si Douthit.

Nang simulan ang Gi­las Pilipinas program no­­ong 2009 ay si Douthit ang kinuhang naturalized pla­yer ng Nationals.

Ginabayan ni Douthit ang Gilas sa sil­ver medal finish noong 2013 FIBA Asia Championship para makalaro sa FIBA World Cup noong 2014.

Huling naglaro si Dout­hit sa Gilas noong 20­­14 Asian Games bago palitan ni Andray Blatche bilang naturalized player.

Sa edad na 33-anyos ay hindi na bumabata si Blatche at maaari na siyang palitan.

Isa na rito ang 24-an­yos na si McCullough na nagpahayag ng kagustuhang maging bahagi ng Gilas Pilipinas makaraang igiya ang San Mi­guel sa korona ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

FIBA WORLD CUP GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with