Bolick, Perez kasama sa Gilas final12
JBulanday (Pang-masa) - August 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Swak ang dalawang rookies na sina Robert Bolick ng Northport at CJ Perez ng Columbian sa Final 12 line-up ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China.

Ito ay ayon sa pinal na roster na inanunsyo ni head coach Yeng Guiao kamakalawa ng gabi matapos ang kanilang huling tune-up match kontra sa Adelaide 36ers sa Meralco Gym sa Ortigas.

Makakasama nila ang mga Gilas veterans na sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Troy Rosario, RR Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, Gabe Norwood at Raymond Almazan.

Nasa final team din si Kiefer Ravena na maaari na ulit maglaro matapos ang 18 buwang suspensyon.

“These are the 12 gallant men who will fight for flag and country in the FIBA Basketball World Cup 2019 in China, but they would not have gotten this opportunity if it were not for the sacrifices of all the players, coaches, and staff that helped along the way throughout the FIBA Asian Qualifiers,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio. “This is your Gilas Pilipinas and they’ll do their best to represent the 100 million Filipinos and promote the Philippine brand of basketball on the world stage.”

Hindi naman nakasali sa final line-up sina Matthew Wright at JP Erram bunsod ng natamong ankle injuries sa kasagsagan ng Gilas training camp.

Lilipad ang Gilas patungong Foshan, China sa Agosto 29 para sa misyong maibandera nang mataas ang bansa sa bigating Group D kontra sa Serbia, Angola at Italy.

Aarangkada ang 2019 FIBA World Cup sa mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Samantala, bigo naman ang Gilas na makaulit kontra sa Adelaider 75-85 sa huling bahagi ng Goodwill Games nila.

Bunsod nito ay nauwi sa wala ang 16 puntos, 6 rebounds at 5 assists ni Blatche para sa Nationals gayundin ang 11 markers ng nagbabalik na si Ravena.

Noong nakaraang Biyernes ay ginapi ng Gilas ang Adelaide, 93-82 sa kanilang unang tune up match.

Bahagi ang Goodwill Games na ito sa hangarin ng Pilipinas at Australia na mahilom ang mga sugat ng nakaraan na kinatampukan ng rambulan sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

CJ PEREZ FIBA GILAS PILIPINAS ROBERT BOLICK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with