Cignal, F2 Logistics maghahatawan
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na ang labanan para sa korona ng All-Filipino Conference ng 2019 Philippine Superliga.

Maghaharap sa unang pagkakataon sa best-of-three Finals series ng liga ang Cignal HD Spikers at F2 Logistics Cargo Movers sa Smart Araneta Coliseum ngayong alas-6 ng gabi.

Unang nakalusot sa championship round ang Car­go Movers matapos nitong talunin ang Foton Tornadoes sa semifinals noong Martes, 25-19, 25-23, 17-25, 25-19, sa Muntinlupa Sports Center.

Ito na ang ikaapat na sunod na Finals appea­rance ng F2 Logistics sa All-Filipino Conference pero uhaw silang masungkit ang kampeonato na huling nadagit noong 2016.

“Iyong Cignal malalaki, maganda ‘yung jelling ng team nag-improve lahat. Iyong mga bata uhaw din sa panalo so talagang tatrabahuin namin ‘yung game noong Saturday. Pipilitin namin,” ani Cargo Movers head coach Ramil de Jesus.

Ibabandera ng F2 Logistics ang malalim nilang hanay sa pangunguna ng team captain na si Aby Ma­raño katuwang sina Kalei Mau, Ara Galang, Majoy Baron, Kim Dy, Des Cheng at Dawn Macandili.

Sa panig naman ng Cignal, ito ang unang pagta­pak nila sa Finals ng All-Filipino tourney mula nang sumali sa liga ang franchise noong 2013 at ito rin ang kanilang ikalawang Finals appearance sa kabuuan.

Nagawang gulatin ng HD Spikers ang defending champions na Petron sa kanilang semifinals series nang burahin nila ang ‘twice-to-beat’ advantage ng Blaze Spikers at pababain sa trono ang mga ito.

Umariba ang Cignal sa Game 1 ng semifinals no­ong Martes sa pagposte nito ng 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11, na nasundan nila sa sudden death match noong Huwebes ng 30-28, 25-21, 17-25, 23-25, 15-8 win para makatapak sa championship round.

“New stage sa amin ‘to. Natapos na’ tong do-or-die namin focus na kami sa next na kalaban namin which is F2. One day preparation, it’s a matter of mental toughness and kung paano ‘yung quick ad­justment doon sa next naming kalaban,” ani HD Spi­kers captain Rachel Ann Daquis.

Muling sasandal ang Cignal kay Daquis katuwang sina Jovelyn Gonzaga, Alohi Robins-Hardy, Ranya Musa, Mylene Paat, Roselyn Doria, Janine Na­varro at Jheck Dionela.

Sa battle for bronze, maghaharap naman ang Foton Tornadoes at Petron Blaze Spikers sa alas-4 ng hapon.

CIGNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with