Tatay ni Floyd gustong matuloy ang rematch
Chris Co (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matutuloy ang rematch nina eight-division world champion Manny Pacquiao at undefeated American legend Floyd May­weather, Jr.

Ito ang sariling pana­nanaw ni Floyd Maywea­ther, Sr. na tiwalang ma­gaganap ang ikalawang bak­bakan ng kanyang anak at ni Pacquiao.

Naniniwala si May­wea­ther, Sr. na kakagatin ng kanyang anak ang re­match na inaasahang ta­tabo uli ng limpak limpak na salapi.

“I’m pretty sure that they gonna fight. If Pacquiao says he wants to fight, I’m pretty sure they’re gonna fight again,” ani Mayweather Sr. sa pa­nayam ng TMZ Sports.

At sa oras na matuloy ang rematch, kumpiyansa si Mayweather Sr. na mu­ling matatalo ng kanyang anak si Pacquiao – ilang be­ses mang magkrus ang ka­nilang landas.

“Man, my son will kick his ass the second, third, fourth, fifth time,” pag­yayabang pa ni May­wea­ther, Sr.

Matagal nang wala sa limelight si Mayweather, Jr. Huli itong nasilayan sa aksyon sa isang exhibition fight sa Japan.

Ngunit nagparamdam si Mayweather, Jr. nang magpost ito sa Instagram na nagsasanay sa isang bo­xing gym.

FLOYD MAY­WEATHER MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with