^

PM Sports

San Juan dumiretso sa ika-10 panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinagdagan ng San Juan ang listahan ng kanilang biktima sa MPBL Lakan Season na umabot na sa sampu habang ipinagpatuloy ng  Manila at Pasay ang pananalasa sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.

Dinimolisa ng Go For Gold-backed Knights ang Cebu Sharks, 86-69 para sa kanilang ika-10 sunod na panalo at manatiling tanging team na walang talo sa torneong itinatag nina Senator Manny Pacquiao ka­sama si PBA legend at former MVP na si Kenneth Du­remdes bilang commissioner.

Sina ex-pros John Wilson at Mac Cardona ang na-nguna sa opensa ng Knights na kumuha ng solidong laro mula kina Mike Ayonayon at Jhonard Clarito.

Nagpasabog si Wilson ng 23 points habang nag-ambag si Cardona ng 16. Nagdagdag naman si Ayonayon, Finals MVP noong nakaraang season, ng 12, habang si Jhonard Clarito ay may 11 points at 10 rebounds para sa Knights na may 10-0 record na siya nilang pinakamagandang simula sa kasaysayan ng lu­malawak na regional amateur basketball league.

Kinailangan namang magbanat ng buto ng Manila laban sa Valenzuela Classic tungo sa 71-66 panalo.

Ikapitong sunod na panalo ito ng Frontrow-backed Stars na umangat sa 9-1 win-loss record at nanatili sa solo second spot ng northern division ng torneo.

Iginupo naman ng Pasay ang Rizal, 74-69 sa main game para sa ikatlong sunod na panalo ng Voyager na sumulong sa 6-5 win loss record.

Ang Voyagers ay pinangunahan ni Axel Inigo, na may 26 points, kabilang ang steady 6-of-10 shooting mula sa triuple area.

vuukle comment

MPBL LAKAN SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with