^

PM Sports

TIP, Marinero nakasiguro ng twice-to-beat

JBulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sigurado na sa Top Two finish at twice-to-beat incentive ang TIP matapos ipagpag ang Alberei, 105-95 sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bumida para sa Engineers si Senegalese big man Papa N’Diaye na umariba sa 37 puntos, 18 rebounds at apat na assists para sa maugong na pagbabalik mula sa hamstring injury.

Nagtala rin ng solidong 28 markers at 11 rebounds si Bryan Santos para suportahan si N’Diaye sa dikit na pa-nalo ng TIP na umangat sa 5-1 kartada sa Group B.

Dahil dito ay selyado na ng Engineers ang isa sa dalawang twice-to-beat bonus ng Group B para sa paparating na playoffs.

Sa kabila naman nito ay hindi kuntento si head coach Potit De Vera sa ipinamalas ng kanyang mga manlalaro matapos muntikang sayangin ang komportableng 18 puntos na kalamangan.

“I’m not happy with today’s ball game. I don’t want to go to the playoffs with my players thinking that w’ere good enough. I don’t want them to be arrogant. I want them to be confident but not arrogant, heading into the playoffs,” ani De Vera.

Bunsod ng pagbabalik ni N’Diaye, dominado ng Engineers ang buong laban at lumamang pa ng hanggang 92-74 bago abutan ng pambihirang Kings rally.

Nagpakawala ang Alberei ng 18-4 birada na tinuldukan ng layup ni Jomari Lacastesantos para makadikit sa 90-96, 3:06 pa sa orasan.

Sa kabutihang palad ay may gasolina pa ang TIP na sumagot ng 9-5 closeout para maitakas ang mahirap na tagumpay.

Nauwi sa wala ang tig-20 puntos nina La-castesantos at Jonathan Parreno para sa Alberei na nahulog sa 0-4 baraha.

Samantala sa isa pang laro, swak na rin sa playoffs ng Group A ang Marinerong Pilipino matapos ang madaling 73-51 panalo kontra sa Asia’s Lashes.

Nanguna si dating PBA player Eloy Poligrates na may 17 puntos, five rebounds at four assists para sa Skippers na nanatiling walang talo sa Group A hawak ang 4-0 baraha.

Sa kabilang banda ay tanging si James Martinez lamang na may 13 markers ang nakapagpasiklab para sa Soldiers na nalaglag sa 2-2 baraha

Naglalaban pa ang McDavid- La Salle Araneta (0-2 at Hyperwash sa third game habang sinusulat ang balitang ito.

vuukle comment

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with