Success ang PBA

Malaking tagumpay para sa Philippine Basketball Association ang katatapos na Commissioner’s Cup dahil nahagip nila ang goal na kanilang nilatag para sa gate attendance at gate receipts.

Sapol ang target at nakabawi sa medyo matumal na kalembang ng turnstile noong nakaraang Philippine Cup.

“Mahina noong early part of the elims pero medyo kumapal na ang tao towards the end of the elims at maganda ang attendance pagdating sa playoffs,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Malaking hit ang finale sa pagitan ng eventual champion San Miguel Beer at runner-up TNT KaTropa.

“May isang game sa finals na may 200,000 hits sa live viewing online,” ani Marcial.

Pero medyo matagal magpapahinga ngayon ang PBA upang magbigay daan sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China simula Aug. 31.

Sept. 20 na ang balik ng PBA upang simulan ang season-ending Governors Cup. At pagdating ng November, muling magbre-break ang liga upang magbigay daan naman sa Southeast Asian Games.

PBA players din ang bubuo ng Team Phl na isasabak sa biennial games.

At may karagdagan pang request ang Sama-hang Basketbol ng Pilipinas sa PBA na magpahiram na rin ng players na lalaro sa SEAG 3-on-3 event. Naka-calendar na pag-usapan ng PBA board ito sa kanilang meeting sa Biyernes.

Ang malamang, ang mga Gilas pool members na hindi masasali sa World Cup ang siyang maisasalang sa SEAG. At maaari itong pangunahan nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.

Show comments