SMBeer, TNT magkikita uli sa Macao
(Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi nagtatapos sa nakaraang 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals ang pagtatapat ng San Miguel at TNT Katropa.

Sasabak ang mga Beermen at Tropang Texters sa darating na Terrific 12 East Asia Super League sa Macao sa Set-yembre 17 hanggang 22 kung saan din nila makakaharap ang mga pro basketball squads ng China, Japan at South Korea.

Maliban sa San Miguel at TNT Katropa, makikita rin sa torneo ang Blackwater.

Nanggaling ang Beermen at Tropang Texters sa maaksyong best-of-seven championship series ng 2019 PBA Commissioner’s Cup na pinagwagian ng tropa ni head coach Leo Austria, 4-2.

Gagamitin ng San Miguel sa Terrific 12 East Asia Super League si Italian League vete-ran Dez Wells habang itatampok ng TNT Ka-tropa si KJ McDaniels na naglaro sa NBA para sa Houston Rockets.

Ang 6-foot-5 na si McDaniels, teammate ni Terrence Jones sa Roc-kets, ay naglaro rin para sa Philadelphia 76ers at Brooklyn Nets at hinirang na NBA Summer League MVP para sa Portland Trailblazers.

Hindi nakasama si McDaniels sa season roster ng Blazers.

Sina Wells at McDaniels ang posibleng iparada ng Beermen at Tropang Texters sa darating na 2019 PBA Governor’s Cup na di-dribol sa Setyembre.

Bukod sa San Miguel, TNT Katropa at Blackwater, ang iba pang lalahok sa Terrific 12 East Asia Super League ay ang Liaoning Flying Leopards, Shenzhen Aviators at Zhejiang Guangsha Lions ng China, ang Chiba Jets, Niigata Albirex, Ryukyu Golden Kings at Utsunomiya Brex ng Japan at ang Jeonju KCC Egis at Seoul SK Knights ng Korea.

Hahatiin ang mga ito sa apat na grupo na may tig-tatlong koponan at magla-laro sa preliminaries

Ang mga tropang mangunguna sa kanilang mga grupo ang aabante sa semifinals kung saan ang dalawang mangungunang team ang maglalaban para sa korona.

Premyong $150,000 ang ibibigay sa magkakampeon, habang ang runner-up at third-placer ay tatanggap ng $100,000 at $50,000, ayon sa pagkakasunod.

SMBEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with