Bumaliktad na si Bob Arum
Chris Co (Pang-masa) - August 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kasalukuyang porma at tikas ni eight-division world champion Manny Pacquiao, kumbinsido si Top Rank Promotions chief Bob Arum na mapapatumba nito si undefeated American pug Floyd Mayweather Jr. sakaling matuloy ang rematch.

Tila nagbago ang ihip ng hangin dahil pinayuhan kamakailan ni Arum si Pacquiao na maging mapili sa mga laban nito dahil sa posiblidad ng pagkakaroon ng brain injury ngunit sa pagkakataong ito, pabor na pabor si Arum na matuloy ang laban na inaasahan aniyang tatabo sa takilya.

“If that fight happens, then it’s probably worth it to do because that would be a big, big, big fight. Manny Pacquiao would win now,” ani Arum sa panayam ng Fight Hype.

Ayon kay Arum, mas mabagsik ang Pinoy champion ngayon kum-para noong 2015 kung saan may iniinda itong shoulder injury.

Kitang-kita aniya ang pagbabalik ng bangis ni Pacquiao sa kanyang mga nakalipas na laban kontra kay Keith Thurman noong nakaraang buwan sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Naitala ni Pacquiao ang split decision win para makuha ang World Boxing Association (WBA) super welterweight belt.

Aminado si Arum na kung siya ang masusunod, nais nitong magretiro na si Pacquiao.

Ngunit wala siyang magagawa dahil nakasalalay pa rin sa Pambansang Kamao ang pinal na desisyon.

“He got the win [against Keith Thurman], he went out on a big note. I would recommend that this is the time for him to hang it up; but listen, he makes his own choices,” ani Arum.

Nakasentro ngayon ang atensiyon ng Team Pacquiao sa pagsulong sa rematch laban kay Mayweather kaya naman ibinasura ng kampo ni Pacquiao ang hiling na rematch nina Thurman at Australian fighter Jeff Horn.

BOB ARUM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with