Malaki ang mga patama noong Martes
(Pang-masa) - August 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalat ang tayaan sa Group Race category 10 na pinasibat sa unang karera noong Martes ng gabi sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas kaya naman maganda ang naging dibidendo nito sa forecast, trifecta, quartet at pentafecta.

Nagwagi ang Zophany Dane na sinakyan ni class A rider Jeffril Tagulao Zarate habang sumegundo ang Courageous at tersero ang River Mist, naging dibidendo sa forecast ay P43.00 at P84.60 sa tirfecta.

Masaya ang manana-yang si Dennis Marindo dahil nasapul niya ang quartet na nagbigay ng P1,704.00.

“Maliit lang puhunan halagang P48.00 lang pero na tsambahan ko,” hayag ni Marindo.

 Mas malaki naman ang ibinigay sa pentafecta, uma­bot sa P5,631.60 ang tatamaan ng bawat isang ticket.

Samantala, sinisiw ng Sir Joaqin ang mga nakatunggali sa Three-Year-Old maiden Race na nilarga sa Race 7.

Puwesto muna sa pang-apat at nang makitang malinis na ang dadaanan ng Sir Joaqin ay pinausad na ito ni star jockey Zarate at kinuha agad ang unahan bago dumating sa far turn.

Paglampas ng Sir Joaqin, dumiretso na ito sa meta para sikwatin ang karagdagang P10,000 na premyo mula sa Philippine Racing Commssion, (PHILRACOM).

“Nang makita kong wala nang sagabal ay nilargahan ko na. Ayaw magpaawat ng makuha na ang unahan,” ani Zarate.

Inirehistro ng Sir Joaqin ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race, nagwagi ito ng may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong Harapin Mo na sinakyan ni class A rider RM Garcia. Nilda Moreno

RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with