Ano ang kalagayan ng POC?
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - July 30, 2019 - 12:00am

Huhupa na kaya ng tuluyan ang bangayan sa Philippine Olympic Committee? Hihinto na kaya ang obvious na “operasyon” upang buligligin ng isang grupo ang kabilang grupo na mando sa preparasyon para sa SEA Games na iho-host ng bansa mula Nov. 30-Dec. 15?

Ito ang kasama sa mga malaking katanungan matapos maidaos ng tuluyan ang POC special elections kung saan nahalal na pangulo si cycling chief at Tagaytay Rep. Bambol Tolentino.

Magkakaisa na nga ba at magkakapit-bisig ang mga nasa POC board upang matiwasay na mapatakbo ang Philippine sports? O bangayan pa rin ang pangunahing larangan na kanilang tatahakin?

Ang siste, nanatiling grupo nina Tolentino ang pinuno ng liderato pero lamang sa bilang ang ibang pangkat sa POC board.

Abangan ang susunod na kabanata.

***

Sa Ginebra-TNT semifinal series naman sa PBA, ang katanungan ay kung masosolusyunan kaya ni coach Tim Cone ang kanilang malaking problema sa katauhan ni TNT import Terrence Jones.

Tatlong sunod na panalo ang kailangan hugutin ng Gin Kings upang mapanatiling buhay ang pag-asa ng kanilang title-retention bid sa Commissioner’s Cup.

Kung hindi maisasakatuparan ang bagay na ito, ang TNT ang uusad upang habulin ang mithiin na tapusin ang mahabang pagkagutom sa kampeonato.

Anybody’s game ang series opener, pero dominado ang mga KaTropa sa Game Two.

Kung anu-anong kumbinasyon na ang ginawa ni coach Tim pero hindi nagbago ang timplada ng takbo ng laro noong nakaraang gabi.

“Just a bad game for us and they played well. They got the lead. We’ll see what we can do,” ang tanging sambit ni coach Tim.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with