^

PM Sports

Mighty Sports 2 na lang

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumapit ng dalawang hakbang para tuluyang makopo ng Mighty Sports Philippines matapos padapain ang Indonesia, 94-66, sa pagpapatuloy ng 41st William Jones Cup kahapon sa Changhua County Gymnasium sa New Taipei City sa Taiwan.

Muling bumida sa panalo ng koponan sina Eugene Phelps at Renaldo Balkman na patuloy sa pagi­ging one-two punch combo ngayong torneo.

Tumabo ng 19 puntos, siyam na rebounds at da­lawang assists ang dating Phoenix Fuel import na si Phelps sa 19 minutong aksyon, habang nag­lista na­man ng 17 puntos sa 7-of-8 shoo­ting sa­hog pa ang da­lawang steals ni Balkman na dati namang SMB at Alab Pilipinas reinforcement.

Sumuporta sa kanila sina Joseph Yeo na may 14 puntos, habang may tig-walong puntos din sina Mc-Kenzie Moore at Aaron Black.

Bunsod nito ay lalong tumatag ang kapit ng Go For Gold-backed squad sa tuktok ng team standings hawak ang 6-0 baraha. Lumapit din ng dalawang panalo ang Mighty Sports mula sa misyong makaulit ng sweep kagaya ng nagawa nito noong 2016.

Dinomina ng Mighty ang Iran (98-72), Jordan (90-76), Japan (94-59), Canada (116-87) at South Ko­rea (89-82) at ngayon ay ilalaan ang atensyon sa home teams na Chinese-Taipei A at B bilang huli ni­lang dalawang assignments.

Nakasakay sa dalawang sunod na araw na pahinga matapos ang non-stop action sa limang araw, kaagad binulaga ng Philippine representative ang kapit-bahay na Indonesia sa first period, 27-13.

vuukle comment

MIGHTY SPORTS 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with