^

PM Sports

14 teams sa PBA D-League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kumpleto na ang 14 teams na magpapangbuno sa nalalapit na pagbubukas ng 2019 PBA Developmental League Foundation Cup sa Hulyo 25 sa Paco Are­na sa Maynila.

Babandera sa Group A ang CEU na paborito sa se­cond conference matapos mag-runner up sa kampeon na Cignal-Ateneo sa katatapos lang  na first conference noong nakaraang buwan.

Makakasama ng Scorpions sa Group A ang mga batikang D-League squads na AMA Online Education at Marinerang Pilipino gayundin ang mga baguhang Asia’s Lashes, iWalk, Hazchem Inc., at NailTalk-St. Dominic Savio.

Mangunguna naman sa Group B ang mga nag­ba­balik na koponan na Technological Institute of the Philippines, McDavid – De La Salle Araneta at BST Basilan-St. Clare na nag­tapos sa semifinals sa first conference.

Sasamahan sila ng iba pang bagitong koponan na Alberei Kings, Hyper­wash Vipers, Italianos Shoes at Black Mamba Ener­gy Drink.

Maglalaban-laban ang mga koponan sa single round robin format sa kani-ka­nilang grupo kung saan ang top four teams ay aa­ban­te sa quarterfinals.

Hahawak ng ‘twice-to-beat’ incentives sa QF ang top 2 teams ng kada grupo kontra sa bottom squads para sa tsansang ma­kapanhik agad sa best-of-three semifinals.

Magsasagupa naman sa best-of-three Finals ang dalawang koponang matitirang nakatayo para sa titulo ng prestihiyosong developmental league sa bansa.

 

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with