Real Gold, Boss Emong balikatan sa 3rd leg ng Triple Crown Series ng Philracom

MANILA, Philippines — Maaksyong laba­nan ang masasaksihan sa ikatlong bahagi ng Tri­ple Crown Series ng Philippine Racing Commission sa Linggo sa MetroTurf Ra­cing Complex.

Papagitna ang first-leg winner na Real Gold (jockey JP A Guce) na pagmamay-ari ng C & H Enterprise at second-leg champion na Boss Emong (jockey Dan Ca­ma­ñero) ni Edward Vincent Diokno.

“It’s anybody’s race. I don’t think magiging fight lang ito between my horse Boss Emong and Real Gold, only God can tell kung sino ba ang nararapat para sa korona ng 3rd leg ng Tri­ple Crown,” ani Diokno.

Maliban sa Boss Emong at Real Gold ay apat na kabayo rin ang umaasinta sa premyong P1.8 milyon mula sa ka­buuang P3 milyon na ini­handa ng Philracom sa nasabing 2,000-meter race.

Ito ay ang My Jopay (ow­ner Moises Villa­señor, jockey Pat R. Di­lema); Shanghai Grey (Me­lanie Habla, JB Hernandez); Sir Joaquin (Juanito Tionloc, JT Za­rate) at My Dad Bogart (Renato Virata, MP La­loma).

Ang My Jopay na na­kasali na sa first at se­cond leg ng serye ay hi­nog na sa panalo, samantalang ang My Dad Bogart at Sir Joaquin ay maaring makahila ng sor­presa.

“We are blessed that Real Gold is able to compete in all three legs of the triple crown. Spe­cial thanks goes to the connections behind the conditioning of the horse. May the best horse win this coming Sunday,” ani Butch Mamon, isa sa may-ari kay Real Gold.

Ang sesegunda ay ta­tanggap ng P675,000, habang ang pupuwesto sa ikatlo at ikaapat ay makakuha ng P375,000 at P150,000, ayon sa pag­­kakasunod.

Magwawagi naman ng P100,000 breeder ng mananalong kabayo.

Sa ikatlong serye ng 2019 Phil­ra­com Hopeful Stakes Race na tatakbuhin din sa 2,000 metro ay pitong kabayo ang maglalaban-laban para sa premyong P600,000 sa pangunguna ng se­cond leg runner-up na Two Timer (owner Me­lanie Habla, jockey JA Guce) at ikatlong pu­wes­tong The Accountant (Luis Aguila, Pat R Di­lema).

Sasalang din ang Best Regards (owner Pe­ter Aguila, jockey CP Hen­son), My Shelltex (Antonio Tan, JB Guce), Phenomenal (Enrique Javier, JP A Guce), Tulos Express (Mario Al­va­rez, RM Garcia) at Wes­teros (Juan Miguel Yu­­lo, AR Villegas).

Ang huling kaba­yong nagwagi ng Triple Crown ay ang Sepfourteen ng SC Stockfarm no­­ong 2017 at ang Kid Mo­lave noong 2014.

Show comments