PLDT Fibr nais makabangon
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Asam ng PLDT Home Fibr na matuldukan ang kanilang four-game losing skid habang susubukan naman ng Foton Tornadoes na nakawin ang ikalimang sunod na panalo sa paghaharap ng dalawa ngayon sa 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan.

Magbabakbakan ang dalawang tropa bandang alas-7 ng gabi.

Hangad ng Foton na mas umangat pa ang standings at sikwatin ang third spot mula sa Generika-Aya-la na dumulas sa 5-3 na baraha matapos ang three-straight setback nito kontra sa Petron.

Sasamantalahin ng Tornadoes, bitbit ang kanilang momentum matapos nitong alpasan ang Sta. Lucia sa loob ng limang sets, 18-25, 21-25, 25-18, 25-15, 15-4 nitong Martes sa Strike Gymnasium sa Bacoor City.

Muling sasandalan ng Foton si national team member Jaja Santiago, na pumutok ng 22 puntos sa huling laro nito at ang kapatid niyang si Dindin Santiago-Manabat na may 13 puntos.

“Nagkaroon kami ng struggles sa pasa at some point sa laro kaya kailangan lang maging accountable sa gagawin kasi laro na namin ‘to. There’s no tomorrow,” ani Foton coach Aaron Velez.

Sa kabilang panig naman, gagawin lahat ng Po-wer Hitters ni multi-titled coach Roger Gorayeb para tapusin ang patuloy ang pagsadsad nito at muling makalapit sa iba pang tropa bago pumasok ang liga quarterfinals.

Ibabandera ng PLDT sina Grethcel Soltones, Aiko Urdas, Jasmine Nabor at Jerilli Malabanan, para bawian ang Tornadoes na pinadapa sila sa loob ng apat na sets, 25-21, 18-25, 19-25, 15-25, sa una nilang paghaharap.

Bubuksan naman ng labanang F2 Logistics at Sta. Lucia sa alas-2 ng hapon ang triple-header match na ito at susundan ng harapang Petron at Cignal bandang 4:15 ng hapon. (

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with