^

PM Sports

Elims end scenarios

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Komplikado pa ang PBA Commissioner’s Cup playoff picture.

Ang sigurado ay ang climactic ending ng elims bukas sa Smart Araneta Coliseum dahil pawang may mabigat na hangarin ang mga magbabanggaang koponan – San Miguel Beer versus Meralco at Magnolia versus TNT KaTropa.

Habol ng TNT ang playoff sa top seeding, naka­tuon ang mga mata ng Magnolia at SMB sa best-of-three quarterfinals, samantalang playoff chance ang nakataya para sa Meralco.

Pagkatapos ng pemultimate elims playdate no­ong Linggo, ang nasigurado ay No. 3 ang Blackwater (7-4), No. 4 ang Barangay Ginebra (7-4) at out of playoff contention ang Columbian Dyip (3-8) at NLEX (3-8).

Nakabitin ang lagay ng Alaska Milk (4-7), Phoenix (4-7) at Meralco (3-7) na laban-laban para sa huling quarterfinals berth.

Ang sigurado sa playoff berth dahil sa mas ma­taas na quotient ay ang mga Aces.

Ang knockout setto ay maaaring Alaska-Phoenix o Alaska-Meralco.

Pasok sa quarterfinals ang Rain or Shine (5-6), pe­ro nasa balag pa ng alanganin kung pasok sila sa Top Six o tatapos na No. 7 at haharap sa quarter­fi­nals matchup na may tangan na twice-to-beat advantage.

Kalaban ng ROS sa posisyunan sa No. 5, No. 6 at No. 7 ang Magnolia (5-5) at San Miguel Beer (5-5).

Kung matatapos sila na tabla sa 5-6, magiging No. 5 ang Magnolia, No. 6 ang Rain or Shine at No. 7 ang SMB.

Sigurado sa No. 6 ang Elasto Painters kung isa lamang sa Magnolia at SMB ang mananalo sa mga laro bukas.

Kaya’t ang isang best-of-three matchup ay ma­aaring Ginebra-Magnolia o Ginebra-SMB.

Malamang na bakbakang umaatikabo ang SMB-Meralco match dahil hindi gugustuhin ng mga Beermen na malaglag sa No. 7 na haharap sa ka­­labang may playoff bonus.

Wala naman ibang option ang mga Bolts kung hin­di ang manalo para hindi awtomatikong ma-out.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with