Bacoor tinakasan ang Caloocan

MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ng Bacoor Strikers ang kanilang ratsada matapos takasan ang Caloocan Supremos sa overtime, 95-94 sa 2019 MPBL Lakan Season noong Biyernes ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Pansamantalang iniwan nina head coach Chris Gavina, team captain Oping Sumalinog at reigning MVP Gab Banal, sumandal ang Stri-kers sa iba nilang players para dumiretso sa pang-limang sunod na panalo.

Kasama si Gavina sa coaching staff ng Rain or Shine na sumagupa sa San Miguel Beermen kagabi sa Cagayan de Oro City.

Miyembro si Banal ng Mighty Sports na kuma-kampanya sa 2019 William Jones Cup tournament sa Taipei, habang dumalo si Sumalinog sa kasal.

Dahil dito ay umasa ang Bacoor kina Michael Mabulac, Michael Cañete, RJ Ramirez, Mark Montuano at Rocky Acidre para lusutan ang Caloocan.

Iniskor ni Ramirez ang apat sa huling anim na puntos ng Strikers sa extra period, kasama ang maha-lagang basket sa natitirang 1.6 segundo na sumelyo sa panalo ng Strikers laban sa Supremos.

Samantala, itinala ng Makati Super Crunch ang kanilang ikaapat na dikit na ratsada matapos kunin ang 76-69 panalo laban sa Bataan Risers.

Inungusan naman ng Muntinlupa ang SOCCSK-SARGEN, 58-55.

Show comments