Dumating na si Blatche

MANILA, Philippines — Kumpletos rekados na ang puwersa ng Gilas Pilipinas sa pagdating ni Andray Blatche kahapon ng umaga.

Sinalubong si Blatche nina Gilas head coach Yeng Guiao, team ma-nager Gabby Cui at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Special Assistant to the President Ryan Gregorio.

Dahil dito ay kumpleto na ang training pool ni Guiao, halos isang buwan pa bago ang kampanya nila sa 2019 FIBA World Cup sa China na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Inaasahang sasama-han na agad ni Blatche ang kanyang mga teammates na sina Gabe Norwood, Troy Rosario, RR Pogoy, JP Erram, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Paul Lee, Mark Barroca, Matthew Wright, Kiefer Ravena, Robert Bolick at CJ Perez sa pagpapatuloy ng ensayo ng Gilas ngayong Lunes sa Meralco Gym.

Makakasama si Blatche sa  pocket tournament sa Spain  as Aug. 4-11.

Show comments