Conley sa Utah na
(Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

MEMPHIS -- Ibinigay ng Grizzlies si veteran point guard Mike Conley sa Utah Jazz kapalit ng tatlong players.

Dinala ng Memphis si Conley sa Utah para mahugot sina forward Jae Crowder, guard/forward Kyle Korver at guard Grayson Allen sa nasabing trade deal.

“Time for another chapter! Excited to give all I have to The Jazz ...!” sabi ni Conley sa kanyang Twitter account.

Si Conley ang mahalagang piyesa ng grupong nagdala sa Grizzlies sa pitong sunod na playoff berths, kasama noong 2013 Western Conference Finals.

Nauna nang umalis sa koponan sina Zach Randolph at Tony Allen noong 2017 bilang free agents, habang ibinigay ng Memphis si center Marc Gasol sa Toronto Raptors noong Pebrero.

Nakamit ni Gasol ang kanyang unang NBA crown matapos tulungan ang Raptors na talunin ang Golden State Warriors sa nakaraang NBA Finals.

Sa kanyang paglalaro para sa Utah ay makaka-tambal ni Conley si rising star Donovan Mitchell sa kanilang kampanya sa Western Conference.

MIKE CONLEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with