Umpisa na ang matinding ensayo ng Gilas
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalarga na ngayon ang mahabang training camp ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup na nakatakda sa China ngayong Agosto.

Inaasahan ang kumpletong attendance ng Gilas Pilipinas training pool ngayong gabi sa Meralco Gym sa pagsisimula ng dalawang buwang paghahanda ng Gilas sa world championship na nakatakda mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan, China.

Matatandaang nitong nakaraang Huwebes ay pinulong na ni head coach Yeng Guiao ang koponan bago ang pagsalang nila ngayong araw sa opisyal na ensayo.

Sa naturang pagpupulong ay dumalo sina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Troy Rosario, Roger Pogoy, Paul Lee, Mark Barroca, JP Erram, Raymond Almazan at Marcio Lassiter.

Tanging sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson ang hindi muna na nakadalo subalit inaasahang makakapunta na ngayon upang makumpleto na ang koponan sa unang araw ng kanilang training camp na tatagal hanggang Agosto.

Dalawang araw kada linggo ang magiging pagsasanay ng Gilas tuwing Lunes at Huwebes habang idinaraos pa ang 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Sa pagtatapos ng naturang mid-season conference sa Agosto ay araw-araw na ang training camp ng Gilas bago nga ito lumipad sa Spain mula Agosto 4-11 para sa pinal na bahagi ng training camp nito.

Sasali rin sa pocket tournament ang Gilas kasama ang Spain national team gayundin ang African teams na Congo at Cote d’Ivoire.

Sa Hulyo 8 naman natakda ang pagdating ng na-turalized player na si Andray Blatche na magbibigay sa kanya ng isang buong buwang paghahanda kasama ang Gilas bago sila sumalang sa prestihiyosong quadrennial basketball conclave sa mundo.

Ka-grupo ng Gilas Pilipinas sa Pool D ang silver medalist ng 2014 FIBA World Cup at 2016 Rio Olympics na Serbia gayundin ang Angola at Italy.

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with