^

PM Sports

Kai Sotto balik na sa Pinas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakabalik na sa bansa ang Filipino teen sensation na si Kai Sotto kahapon upang samahan ang Gilas Pilipinas Youth team sa paghahanda nito para sa nalalapit na 2019 FIBA U19 World Cup na gaganapin sa Heraklion, Greece ngayong buwan.

Lumipad noong Huwebes ng gabi ang 7’2 na si Sotto mula sa Atlanta, Georgia kung saan nagsanay siya ng dalawang buwan para ihanda ang sarili sa pangarap na makapasok sa National Basketball Association (NBA) sa 2021 o 2022.

Nag-ensayo at nagpa-lakas si Sotto sa gabay ng East West Private Agency at kilalang international trainer na si Rory Jones sa Emory Sports Medicine Complex na siyang training facility ng NBA team na Atlanta Hawks.

Ngayong nasa Pinas na ulit ang 16-anyos na si Sotto, kumpleto na ang twin towers ng Gilas Youth matapos dumating din kamakalawa ang 6’11 Filipino-Nigerian na si AJ Edu kung saan siya naka-base at naglalaro para sa Toledo Rockets.

Sasamahan na ng da-lawa ang iba pang higante na sina 6’8 Carl Tamayo at 6’9 na si Geo Chui gayundin ng iba pang gunners na sina Bismarck Lina, Xyrus Torres, Dave Ildefonso, Terrence Fortea at Gerry Abadiano.

Ang isa pa nilang kasangga na si Dalph Panopio mula sa Italy ay inaasahan namang sasama sa koponan sa Hunyo 18 kung kailan lilipad ang Gilas patungong Doha, Qatar para sa isang pocket tournament bago sila tumungo sa Heraklion, Greece para sa U19 world basketball conclave na nakatakda mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Gagabayan ang Nationals ng batikang collegiate coach na si Sandy Arespacochaga kasama ang iba pang beterano ring high school mentors na sina Goldwin Monteverde, Ryan Betia, Charles Tiu, Anton Altamirano at JB Sison bilang assistant coaches.

Ranggong ika-30 sa buong mundo ayon sa pinakabagong FIBA U19 rankings, makikilatis ang Gilas youth sa bigating Pool C kontra sa 9th na Argentina, 19th na Russia at home team na Greece na 15th best U19 squad.

Bubuksan ng Gilas ang kampanya nito kontra sa Greece sa Hunyo 29 at kontra sa Argentina sa Hun-yo 30 bago tapusin ang preliminary round kontra sa Russia sa Hulyo 2.

Kailangang manalo ang Nationals ng dalawang laban upang makaabante sa susunod na round ng FIBA World Cup para sa 19-and-under.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with