Rondina, Pons pambato ng Pinas sa FIVB World Beach Volley
Chris Co (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makikipagsabayan ang walong Pinoy teams sa matitikas na beach volley players sa mundo sa pagsambulat ng FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open bukas sa White House Beach Station 1 sa Boracay Island.

Pangungunahan nina Philippine Superliga beach volley champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang kampanya ng Pilipinas sa women’s division kasama sina Dij Rodriguez at Bea Tan, Jackie Estoquia at DM Demontaño at Fiola Ceballos at Patty Orendain sa main draw.

Daraan naman sa qualifying sina Babylove Barbon at Gen Eslapor.

Hahataw naman sa men’s division sina Philippine Air Force bets Ranran Abdilla at Jesse Lopez gayundin sina collegiate standouts James Buytrago at Krung Arbasto; at Mike Abria at Jade Becaldo.

Ang koponan ng Japan at Thailand ang pinakamalalakas na pares na sasabak sa torneo.

Isasabak ng Japan sina Satono Ishitsubo at Asami Shiba na naka-tanso sa  Cambodia Beach Volley tournament noong nakaraang buwan. Naka-ginto rin sina Ishitsubo at Shiba sa 1-Star Manavgat Open sa Turkey noong Hunyo ng 2018.

Pasok din sa main draw sina Sakurako Fujii at Minori Kumada; at 2006 Doha Asian Games silver medalist Shinako Tanaka at Miyuki Matsumura.

“We’re really expecting a heavy challenge from Japan since they are extensively preparing for the Olympics,” ani tournament director Charo Soriano.

FIVB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with