Revellers binuhay ang tsansa sa playoffs
Hinabol ng supalpal ni Ben Adamos ng Perpetual si Niko Abatayo ng SMDC-NU.
Revellers binuhay ang tsansa sa playoffs
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaiwas sa mala­king kabiguan ang Che’Lu Bar and Grill kon­tra sa Family Mart-Enderun, 77-72, upang ma­panati­ling buhay ang pag-asang makapasok sa playoffs ng 2019 PBA Developmental League sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City ka­ha­pon.

Matapos maiwan sa hanggang 15 puntos ay na­gising ang Revellers sa panguguna ni Most Valuable Player Jeff Viernes na tinuldukan ang pag-aalsa nila sa naglili­yab na tres sa huling 43.5 segundo para sa 75-72 kalamangan.

Sapat na iyon upang maipagpag ng Che’Lu ang Family Mart patu­ngo sa tagumpay.

Bunsod nito, uma­ngat sa 6-3 ang ba­ra­ha ng Revellers pa­ra ma­kasalo sa ikatlong silya sa Aspirants Group ang Petron (6-3).

Nasa likod lang nila ang St. Clare at Go For Gold na kapwa may 5-3 kartada at pwede pa ring makaabot sa playoffs.

“No matter what hap­pens, we should end with a win,” ani coach Ste­venson Tiu. “Wala na sa kamay namin ang fate namin. We’re just hoping for the better na lang.”

Tumipa ng 13 points, 5 rebounds at 5 assists si Viernes, habang may 17 markers at 17 rebounds si Alfed Batino.

Nagdagdag din ng 13 points at 4 rebounds si Rey Suerte para sa Re­vellers na may tatlong sunod na panalo na ngayon.

Sa kabilang banda, nauwi sa wala ang 18 at 17 points nina Valandre Chauca at Fonso Gotla­dera, ayon sa pagkaka­sunod, para sa Fami­ly Mart na tinapos ang kampanya sa 1-7 marka.

Sa isa pang laro, kumamada naman ng 20 points si Dave Ildefonso para sa 100-74 paggupo ng SMDC-NU kontra sa Perpetual.

Wi­nakasan ng Bulldogs ang kanilang laban sa apat na su­nod na panalo para sa 4-5 ba­raha.

Hindi naman nagkasya ang 17 markers ni Tonton Peralta para sa Altas na nalaglag sa 2-7.

CHE’LU BAR 77 - Ba­tino 14, Viernes 13, Suerte 13, Bautista 10, Dagangon 9, Collado 7, Dumapig 4, Ta­ganas 3, Manalang 2, Si­ruma 2, Gabo 0, Bringas 0, Ng 0.

Family Mart-Enderun 72 - Chauca 18, Gotladera 17, Hayes 13, Escoto 9, Kuoakou 3, Nunez 3, Gatdula 3, Dungan 3, Vidal 2, Sacundo 1, Tancioco 0, De­la Cruz 0.

Quarterscores: 12-22; 38-42; 54-62; 77-72.

2019 PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with