Cone kampi sa Magnolia kontra sa San Miguel
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - May 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si Ginebra coach Tim Cone na ma­laki ang tsansa ng Magnolia na masi­lat ang hari at paboritong San Mi­guel sa Game Seven ng ka­ni­lang title se­ries.

Ito ay matapos patuna­yang may kakayahan silang makipagsabayan sa Beermen na nahila nila sa ‘winner-take-all’ game sa kabila ng pagiging underdog.

“Magnolia has a good chance,” ani Cone na da­ting mentor ng Purefoods franchise at kinikila­lang ‘greatest coach of all time’ hawak ang 21 PBA championships.”

“The Hotshots have shown great resilience in this series. They have the resilience to bounce back as they have done in this ping-pong, back-and-forth series. Magnolia has a great shot.”

Wala pang nakapu­wersa ng Game Seven kontra sa Beermen simula noong 2016 kung sa­an nabura ng koponan ang 0-3 pagkakaiwan kontra sa Alaska para sa maka­say­sayang ‘Beeracle’.

Iyon ang dahilan ka­ya’t ang pressure ay nasa SMB ngayon, dagdag ni Cone.

“The pressure is on SMB. They’re expected to win,” ani Cone.

Subalit hindi magi­ging madali iyon, ayon kay Cone, lalo’t subok na Beermen ang haharang sa daan ng Hotshots para sa misyong makopo ang ikalimang sunod na All-Filipino conference championship.

“They’re used to it. They’re very expe­rienced,” sabi ni Cone  la­­lo’t may masasandalang su­bok na champion core ang SMB sa pamumuno nina five-time PBA MVP June Mar Fajar­do, Arwind Santos, Alex Ca­bag­not, Chris Ross at Mar­cio Lassiter kasama si­na Terrence Romeo at Christian Standhardinger.

Sa dulo, mauuwi ang duwelo sa kung sino ang may ‘poise’ ayon kay Cone.

TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with