Phoenix mali ang diskarte
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

Maaaring tapusin na ng San Miguel Beer ang Phoenix Pulse o puwede ring makadikit ang Fuel Masters sa 2-3 sa Game Five kagabi ng kanilang PBA Philippine Cup semifinals.

Pero kumbinsido ang aking mga katoto sa Kandong McDo sa Maysan, Valenzuela na mali ata ang diskarte ng Fuel Masters sa pagpisikal sa mga Beermen sa unang apat na game ng kanilang serye.

Habang sinusulat ko ang column na ito, hindi natin alam kung anong diskarte ang gagawin ng Phoenix sa Game Five.

Ang consensus sa huntahan sa lugar ni Pareng Kandong ay dapat na inilaro lamang ng Fuel Masters ang mga bagay na naghatid sa kanila sa PBA Final Four sa kauna-unahang pagkakataon.

“Pinisikal nila ang San Miguel na mas malaki sa kanila. Siyempre nung lumaban ang San Miguel sa pisikalan at sakitan, mas lamang ang San Miguel,” ani Odie Chua.

“Obviously, gusto nilang sirain ang diskarte ng San Miguel. Ang siste ay sila ang nasira, nung kumasa ang San Miguel,” pasok naman ni Dennis Alemania.

“Ang nasa isip kasi nakatuon na sa banggaan at sakitan. Nakalimutan na kailangan iikot ang bola na gaya ng dati nilang ginagawa at i-shoot ng maayos ang bola,” susog ni Ernie Malit.

***

Ang nakakabilib ay ang recovery ng Magnolia Hotshots sa pagkakabaon, 0-2, sa kanilang serye kontra sa Rain or Shine.

Ang tanong ngayon ay kung may kakayahan din ang Rain or Shine na maka-recover upang ipuwersa ang sudden-death sa kanilang best-of-seven series.

Kaya nga lamang mukhang nakakuha na ang Hotshots ng se-cond wind pagkatapos ng pamamahinga noong PBA Lenten breather. At halos lahat ng mga bagay ay mukhang nasa pabor na nila papunta sa Game Six ngayong gabi.

Dahil humaba na ang serye, ramdam na ng Rain or Shine ang absence ni Raymond Almazan. Kumpiyansa naman si coach Caloy Garcia na ang serye ay nanatiling “anybody’s game.”

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with