^

PM Sports

Cignal-Ateneo, CEU pupuwesto sa playoffs

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puwesto sa playoffs ang pakay ng group leaders na Cignal -- Ateneo at Centro Escolar University kontra sa magkahiwalay na katunggali ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Developmental League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang sasabak ang Aspirants Group leader na Blue Eagles (6-1) sa alauna ng hapon kung saan ikalimang sunod na panalo ang hangarin nila kontra sa Batangas-EAC (2-5) na opisyal na magtutulak sa kanila sa playoffs.

Ang Scorpions (6-0) naman na wala pa ring galos sa anim na salang ay tangka ring makapasok sa playoffs sa sagupaan nila ng SMDC-NU (1-5) sa alas-3 ng hapon.

Sasakay ang Ateneo sa makasaysayang 106-31 tagumpay nito kontra sa McDavid na siyang panga-lawa sa pinakamalaking tambak sa siyam na taong D-League history.

“Every other reason we’re here is just to play games, get experience, and the PBA D-League is good for that,” ani head coach Tab Baldwin lalo’t ang panalo ngayon ay magsisiguro sa kanila sa top four kahit may dalawang laro pang nalalabi sa kanilang group phase schedule.

Upang magawa ito ay sasandal si Baldwin sa core nina Isaac Go, Thirdy Ravena, Matt Nieto at Ange Koaume na siya ring kanilang pambato sa UAAP na pinagwagian nila sa nakalipas na dalawang taon.

Parehong misyon naman ang gusto ng undefeated na CEU kaya’t hindi sasayangin ang naturang pagkakataon na masikwat ang unahan ng Foundation Group.

“We’re in a position to make it to the next round,” ani head coach Derrick Pumaren. “We have to take care of things, can’t let our guards down.”

Sa isa pang laro, lalapit din sa playoffs ang Valencia City Bukidnon — SSC R (4-1) kontra sa Perpetual (1-4) sa alas-11 ng umaga.

vuukle comment

PBA DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with