Davao Occidental Tumabla
(Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nilapa ng Davao Occidental Tigers ang San Juan Knights, 77-66 sa Game 4 ng best-of-five National Finals series noong Lunes ng gabi upang ipuwersa ang do-or-die battle sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa The Arena sa San Juan City.

Umarangkada si Billy Ray Robles ng 12 puntos sa kabuuang 22 sa huling yugto para pangunahan ang kanilang come-from-behind panalo at itabla ang serye, 2-2 bago bumalik ang laban sa kanilang teritoryo ngayong Huwebes sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Lumamang pa ng sampung puntos ang Knights, 57-47, mahigit 8:44 minuto ang nalalabi sa fourth quarter bago humataw sina Robles at Leo Najorda para buhayin ang asam ng Tigers na angkinin ang titulo sa kauna-unang national finals ng home-and-away league.

Samantala, itinanghal si Gab Banal ng Bacoor Strikers bilang MVP sa ikalawang conference ng MPBL. Kasama rin ni Banal sina Chris Bitoon ng Manila Stars, Allan Mangahas ng Muntinlupa Cagers, Aris Dionisio ng Manila Stars at Mark Yee ng Davao Tigers sa Mythical First Five.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with