Bautista sigurado na sa bronze
Chris Co (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

2019 Asian Boxing Elite Championships

MANILA, Philippines — Iginupo ni Ian Clark Bautista si Chen Zhihao ng China via split decision upang umabante sa men’s bantamweight semifinals ng 2019 Asian Boxing Elite Championships na ginaganap sa sa Huamark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Matatalim na kumbinasyon ang pinakawalan ni Bautista sa buong laban kung saan halos mapatumba pa nito ang Chinese fighter sa third round para angkinin ang puwesto sa semis.

Dahil dito, sigurado na si Bautista ng tansong medalya sa torneong inorganisa ng Asian Boxing Confederation.

Makakatipan ni Bautista sa semis si Mirazizbek Mirzahalilov ng Uzbekis-tan na nagtala rin ng split decision win kay Chatchai Butdee ng host Thailand.

Bigo namang makapasok sa semis si Ramel Macado matapos matalo kay Te­mirtas Zhussupov ng Ka­zakhs­tan sa quarterfinals ng men’s light flyweight division.

Maganda ang simula ni Macado nang magpakawala ito ng matatalim na suntok sa first round upang bahag-yang maalog ang kanyang Kazakh rival.

Subalit hindi inaasahang nagkabangga ang dalawang boksingero dahilan para dumugo ang noo ni Macado at magtamo ng sugat sa kaliwang kilay si Zhussupov.

Itinigil ang laban ngunit ibinigay ang referee-stopped-contest win kay Zhussupov – bagay na ikinagulat ni Macado.

Nauna nang tinalo ni Macado si Southeast Asian Games gold medalist Muhammad Fuad Bin Mohd Red­zuan ng Malaysia (5-0).

Tatlo pang miyembro ng national team – Marvin Tabamo, reigning SEA Games champion John Marvin at Josie Gabuco - ang sasabak sa quarterfinals.

Nakatakdang sagupain ni Tabamo si Tosho Kashiwasaki ng Japan sa men’s flyweight category habang titipanin naman ni Marvin s Daneshvar Hossein ng Iran sa men’s light heavyweight class.

Makakasagupa naman ng dating World Championship gold medallist na si Gabuco si Alua Balkibekova ng Kazakhstan sa women’s light flyweight division.

2019 ASIAN BOXING ELITE CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with