^

PM Sports

Blatche gagamitin sa SEA Games?

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Blatche gagamitin sa SEA Games?
Andray Blatche

MANILA, Philippines — Hindi magpa­pasilat ang Pilipinas sa kanilang homecourt dahil all-pro Philippine team mula sa Philippine Basketball Association ang ipaparada sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Ito ang tiniyak ni PBA chairman Ricky Vargas pa­ra sa misyong maprotektahan ang korona sa SEAG men’s basketball na napagwagian na ng Pilipinas ng 17 beses sa 19 edisyon nito.

“Ang PBA naman is com­mitted to the SBP to support the national team,” ani Vargas. “We’re committed to support on both ends -- on the Gilas Pilipinas’ road to the world cup and on the SEAG.”

Ibig sabihin nito ay da­lawang magkahiwalay na koponan ang bubuuin ng PBA at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas pa­ra sa FIBA World Cup at gayundin sa SEAG.

Nakatakda ang World Cup sa China sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15, habang ang SEAG ay magaganap dito sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sinabi pa ni Vargas, pa­ngulo rin ng Philippine Olympic Committee, na pag-uusapan din kung ida­­dag­dag sa koponan si naturalized player Andray Blatche upang matiyak na hindi masisilat ng maski sinong SEAG team ang Pilipinas para sa gold medal.

“Pinag-uusapan lang ba­ka magkaroon ng da­lawang team. Pero the PBA is ready to field two teams -- one team for the World Championship, and the other team for the Southeast Asian Games,” ani Vargas na kinatawan ng TNT Katropa sa PBA Board of Governors. “La­gay na rin natin si Blatche doon sa Southeast Asian Games. So that’s the over­view.”

Bihirang ipadala ng SBP at ng PBA ang all-pro at senior elite team na Gilas Pilipinas sa SEA Games na kadalasan ay ipinauubaya nila sa cadet team na Sinag Pilipinas na nagtatagumpay naman sa kanilang misyon.

Huling nagparada ng all-pro Gilas squad ang Pilipinas noong 2017 SEABA championship sa pangunguna nina Jayson Castro, June Mar Fajar­do at Blatche na winalis ang buong kompetisyon na kinatampukan pa ng 147-40 pagdurog kontra sa Myanmar.

Tinambakan din noon ng Gilas Pilipinas ang In­donesia, 97-64, para sa kanilang gold medal match.

Bagama’t inaasahang magwawagi ang bansa sa 5-on-5, isang medalya lang ito ayon kay Vargas kaya’t plano din ng PBA na gawing all-pro team ang koponang ipapadala sa 3-on-3 basketball.

“Committed din ang PBA na magpahiram ng PBA players sa 3-on-3,” sabi ni Vargas.

 

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with