Imbiid sinapawan si Antetokounmpo

Dumakdak si Joel Imbiid ng Philadelphia laban kay Brook Lopez ng Milwaukee.

MILWAUKEE — Si Giannis Antetokounmpo ang nagwagi sa kanilang scoring matchup, ngunit si Joel Embiid at ang Philadelphia 76ers ang nanalo sa laro.

Nagposte ang seven-footer na si Embiid ng 40 points at 15 rebounds para pangunahan ang 76ers sa 130-125 paggupo sa Bucks.

Umiskor naman si Antetokounmpo ng career-high na 52 points sa kanyang 15-of-26 fieldgoal shooting kasama ang 3-of-8 clip sa three-point range at nagsalpak ng 19-of-21 sa free throw line.

“He’s (Embiid) a tough guy,” sabi ni Anteto-kounmpo. “He’s a great defender, strong. It was kind of hard going at him.”

Ang mahigpit na depensa ng 76ers ang nagpatahimik kay Antetokounmpo sa first half bago humataw ang Milwaukee star ng 35 points sa second half.

Sa Orlando, kumolekta si Nikola Vucevic ng 27 points at 20 rebounds sa pag-akay sa Magic sa 101-91 paggupo sa Atlanta Hawks.

Sa Detroit, kumayod si Blake Griffin ng 25 points at nagposte si Andre Drummond ng 15 points at 17 rebounds para pamunuan ang Pistons sa 110-107 pananaig sa Toronto Raptors.

Show comments