Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week
MANILA, Philippines — Inilabas ni middle blocker Bea De Leon ang bangis nito upang tulungan ang Ateneo de Manila University na okupahan ang tuktok ng standings sa pagtatapos ng first round ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.
Sa linggong nakalipas, nagtala si De Leon ng ave-rage na 13.5 puntos para pamunuan ang Lady Eagles sa pagkopo ng matikas na 6-1 rekord dahilan upang tanghalin itong Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week.
Maliban sa abilidad sa loob ng court, pinuri ni Ateneo head coach Oliver Almadro ang tapang at liderato ni De Leon na siyang bumubuhay at nagbabalik ng sigla sa Lady Eagles sa oras na nakabaon ito.
Nagtala si De Leon ng 14 puntos sa four-set win ng Ateneo sa Adamson University, 25-8, 22-25, 25-16, 25-10.
Muling rumatsada si De Leon laban sa National University kung saan kumana ito ng 13 puntos sa isa pang four-set victory ng Lady Eagles, 23-25, 25-17, 25-23, 25-17.
- Latest