Romero natuwa sa PSTC Act
Romero natuwa sa PSTC Act
(Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng modernong sports training center para sa hina-hangad na kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games.

Pinasalamatan kahapon ni 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa Republic Act 11214 o ang “Philippine Sports Training Center Act”.

“It’s a dream come for our national athletes because in two years time they will have a modern sports facility that is at par with some of the best in the world,” wika ni Romero. “Certainly, this is one of the landmark sports projects under the administration of President Duterte.”

Pondong P3.5 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa pagpapatayo ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa isang 20-hectare sports hub sa Rosales, Pangasinan sa taong 2022.

“Everything about this PSTC must be a labor of love, graft and corruption free and must meet world-class standards,” wika ni Romero na nakasama sina Philippine Olympic Committee Chairman and Tagaytay Rep. Bambol Tolentino at Manila Rep. Manny Lopez.

Ang PSTC ay magagamit ng mga atleta ng archery, athletics, badminton, baseball, basketball, beach volleyball, bowling, taekwondo, karate, judo, wrestling, cycling (velodrome), dance sport, football, gymnastics, handball, lawn tennis, sepak takraw, shooting, softball, squash, swimming, table tennis, volleyball, wall climbing water polo at weightlifting.

Bagama’t maliit ang P3.5 bilyon kumpara sa mga ginagastos ng mga kapitbahay sa Southeast Asia sa pagpapatayo ng kanilang mga sports training centers, naniniwala naman si Romero na mangingibabaw ang determinasyon ng mga Filipino athletes sa mga lalahukang kompetisyon. Hangad din ng PBA team owner, ang chairman din ng United Polo Players Association, na matiyak na magkakaroon ng sapat na pondo ang Philippine Sports Commission.

“That is high in our priority list,” dagdag ni Romero. “PSC should not only have sufficient funding but also powers to advance the welfare of national athletes through compensations and rewards.”

MIKEE ROMERO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with