Mabigat ang laban ng Batang Gilas
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mapapasabak ang Batang Gilas sa mga powerhouse teams matapos mapasama sa Group C ng paparating na 2019 International Basketball Federation (FIBA) Under-19 World Cup sa He-raklion, Greece.

 

Ranggong ika-30 sa buong mundo, mapapalaban ang Nationals kontra sa 9th na Argentina, 19th na Russia at world no.15 at host country na Greece sa prestihiyosong 16-team tournament na nakatakda mula sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

 

Sisimulan nila ang kampanya kontra sa home team na Greece sa Hunyo 29 sasalang kontra sa Argentina sa Hunyo 30 bago tapusin ang group phase schedule kontra sa Russia sa Hulyo 2.

Magbabanggaan ang lahat ng 16 na koponan sa preliminary games at aabante lahat sa Round of 16 crossover knockout matches hanggang sa mauwi sa quarterfinals, semi-finals at one-game championship.

Sa pangunguna nina 7’2 Kai Sotto at 6’9 Filipino-British AJ Edu, magugunitang nagkwa-lipika sa U19 World Cup ang Batang Gilas nooong nakaraang taon matapos pumang-apat sa FIBA U18 Asia Championships na ginanap sa Nonthaburi, Thailand.

Nawalis ng Batang Gilas ang group phase subalit kinapos sa Australia sa semifinals bago matalo uli sa China sa bronze medal match.

Sa kabutihang palad, umabante pa rin sa World Stage ang koponan dahil apat na team ang kasama.

Ang kampeon na Australia, runner-up na New Zealand, third placer na China at Pilipinas ang nabigyan ng tiket para sa FIBA Oceania zone.

Ang U19 World Cup appearance na ito ng Batang Gilas ay dagdag sa tagumpay ng national youth program sa nakalipas na dalawang taon matapos magwagi sa FIBA U16 Asia Championship at nagkwalipika rin sa FIBA U17 World Cup noong nakaraang taon na ginanap sa Argentina.

Bukod sa twin towers nina Sotto at Edu, sasandal din ang Batang Gilas sa guards na sina Dalph Pa-nopio at Dave Ildefonso.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng apat na dekada na nakapasok sa FIBA U19 World Cup ang RP Youth team.

Matatandaang noong 1979 sa Sao Paolo, Brazil ay pumang-10 ang RP Youth na ginabayan ni head coach Arturo Valenzona at giniyahan ng mga PBA legends na sina Yoyoy Villamin, Chito Loyzaga at Hector Calma kontra sa 12 pinakamagagaling na U19 teams sa buong mundo kabilang na ang kampeon na USA Team na nagparada ng NBA legends na sina Fat Lever, Sam Perkins at James Worthy.

 

BATANG GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with