^

PM Sports

Lady Tams at Lady Maroons mag-aagawan sa liderato

Francisco Cagape - Philstar.com

MANILA, Philippines — Matapos madapa sa unang laro, hangad ng Ate­neo Lady Eagles na bumangon kaagad sa pag­harap sa University of Santo Tomas Tigres­ses, habang magtatagpo ang mga opening day win­­ners na UP Lady Ma­­roons at FEU Lady Ta­­maraws sa UAAP Sea­­son 81 women’s vol­ley­ball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Lady Eagles ang Tigresses sa alas-2 ng hapon kasunod ang laro ng Lady Maroons at Lady Tamaraws sa alas-4.

Sa men’s division, tar­­get ng Blue Eagles ang ikalawang panalo sa pagtatagpo laban sa UST Growling Tigers sa alas-8 ng umaga at asam din ng FEU Tamaraws ang ikalawang sunod na pa­­­nalo sa pakikipagtuos sa UP Fighting Maroons sa alas-10 ng umaga.

Hinikayat ni Ateneo coach Oliver Almadro ang kanyang koponan na kalimutan na ang ka­nilang 14-25, 17-25, 25-16, 19-25 pagkatalo sa ‘three-peat’ champion La Salle Lady Spikers noong Linggo at ituon ang isip kontra sa UST.

Ang Tigresses ay ga­ling din sa five-set win laban sa Adamson La­dy Falcons, 25-21, 25-21, 24-26, 24-26, 15-6, kaya mataas ang kumpiyansa ng tropa ni head coach “Kung Fu” Reyes.

“What I told my pla­yers that the good thing now is we’ve seen our worst but we’ve not yet seen our best, so it’s the first game and the UAAP is a long season and what matters is the last game of the season so we will take the positives on this game,” sabi ni Almadro na pumalit kay coach Tai Bundit.

Matapos ang ka­ni­lang pagkatalo sa La Salle ay agad pinanood ng Ateneo ang tape.

“Of course, ‘yung La Salle, their system ta­laga is consistent so kapag ikaw ay naging inconsistent ay mahihi­rapan ka talaga sa La Salle,” ani Almadro na tatlong beses din iginiya ang Blue Eagles sa kampeonato sa UAAP men’s division.

Sa iba pang laro, pa­rehong asam ng Lady Ma­­roons at Lady Tamaraws ang ikalawang sunod na panalo.

Nagwagi ang Lady Maroons laban sa UE La­dy Warriors,  25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12, habang inilampaso ng Lady Tamaraws ang Lady Bulldogs, 22-25, 25-19, 25-19, 25-12, pa­ra sa maganda nilang umpisa sa torneo.

vuukle comment

UAAP

VOL­LEY­BALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with