^

PM Sports

Cignal-PBA Press Corps player of the week

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakita ng kanyang pinakamagandang laro si James Yap sa nakaraang mga taon.

Kaya naman hinirang ang two-time PBA Most Valuable Player bilang unang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week.

Tinulungan ng 37-anyos na si Yap ang Rain or Shine na masolo ang liderato ng 2019 Philippine Cup bitbit ang 7-1 kartada.

Sa loob ng limang araw ay tatlong beses naglaro ang Elasto Painters kung saan nagbida ang 6-foot-2 na si Yap ng mga average na 13 points, 4.0 rebounds at 1.6 assists.

Nagtala ang Rain or Shine ng limang sunod na panalo ang Rain or Shine bago ang two-week break para sa kampanya ng Team Pilipinas sa sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa 107-100 panalo ng Elasto Painters laban sa NorthPort noong Pebrero 8 ay nagtala si Yap ng 18 points mula sa magandang 6-of-9 shooting sa three-point range.

Tumapos naman si Yap na may 2 points at 4 boards sa loob ng 18 minuto mula sa 98-94 pagtakas ng Rain or Shine kontra sa dating nangungunang Phoenix.

Isang araw bago ang kanyang kaarawan noong Pebrero 13 ay kumolekta ang dating Red Warrior ng University of the East ng 18 points na tinampukan ng game-winning three-point play buhat kay Rome dela Rosa para tulungan ang Elasto Painters na talunin ang dati niyang tropang Magnolia Hotshots, 75-74.

Target ng Rain or Shine ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round ng torneo.

Tinalo ni Yap ang kanyang teammate na si Beau Belga at sina star center June Mar Fajardo, Terrence Romeo at Arwind Santos ng San Miguel at sina guard Chris Banchero, Carl Bryan Cruz at Ping Exciminiano ng Alaska para sa weekly citation.

vuukle comment

CIGNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with