^

PM Sports

3x3 President’s Cup didribol ngayon

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sisiklab ngayong araw ang ka­una-una­hang na­t­ion­wide 3x3 league na Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup sa SM Megamall Event Cen­ter sa Mandalu­yong City.

Kabuuang 12 city-based squads ang sasa­lang sa unang leg ng ma­kasaysayang torneo na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipi­nas para sa misyong ma­kapagpasok ng koponan sa 2020 Tokyo Olympics kung saan ipapakilala ang 3x3 sport bilang me­dal event sa unang pagkakataon.

Babanderahan ang li­ga ng mga koponan ng San Juan-Go For Gold Knights, Valenzuela Classic at Zamboanga Valientes na nasa Group A gayundin ang pre-season champion Pasig-Grindhouse Kings, Marikina Shoe­masters at Bulacan Kuyas sa Group B.

Hindi naman padada­ig ang Group C teams na Cebu-Max4 Birada, Vi­gan Wolves at Pasay Vo­yagers, habang nasa Group D ang Bataan Ri­sers, Bacoor Strikers at Quezon City-Zark’s Jawbreakers.

Magsisimula ang mga laban sa alas-11 ng umaga bago ang sere­monyang pangungunahan nina FIBA officials Da­vic Crocker at Fei Gao kasama sina Ateneo mentor Tab Baldwin, Ronald Mascariñas ng Chooks-to-Go at Chot Reyes ng ESPN 5.

Magkakaroon din ng three-point shootout sa first leg na gigiyahan ng dating PBA player at ngayon ay Cebu-Max4 Birada manager Dondon Hontiveros, habang ta­trangkuhan nina da­ting FIBA 3x3 king K­obe Paras ng University of the Philippines, NCAA slam dunk ruler Yankie Haruna ng St. Benilde at NU stalwart Daniel Chatman ang slam dunk contest.

Tatanggap ng prem­yong P100, 000  ang ma­na­nalo sa one-day first leg ng torneo, may kabuuang six legs.

 

 

vuukle comment

3X3 PRESIDENT’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with