Davao City handa na para sa Palaro
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang muling pagdomina sa katatapos na 2019 Batang Pinoy Mindanao Leg ay tiniyak naman ng Davao City ang kanilang kahandaan para sa pamamahala sa Palarong Pambansa.

Sinabi ni Davao City Sports Division Office head Michael Denton Aportadera na ‘finishing touches’ na lamang ang kanilang ginagawa sa mga venues sa lungsod.

Ang mga pasilidad na ginagamit ng Davao City sa pamamahala sa Davao Regional Athletic Association (DAVRAA) ang pagdarausan sa Abril 27 hanggang Mayo 4.

“The venues that we used for DAVRAA in the last two years ay iyon pa rin ang gagamitin namin,” wika ni Aportadera. “Ang inaayos na lang namin ay ‘yung Davao City Sports Complex sa University of the Philippines-Mindanao campus.”

“Actually, nagamit na namin iyon for DAVRAA. Aesthetics na lang ang kulang and then some finishing touches. So were good,” dagdag pa nito.

Bukod sa Davao City Sports Complex ay idaraos din ang ilang sports events ng 2019 Palarong Pambansa sa ilang private sports facilities kagaya ng University of Mindanao Sports Complex na may modernong rubberized track and field oval.

“Kaya the Mayor (Sara Duterte-Carpio) hosted the DAVRAA for the second time because she wants us to be ready for the hosting of the Palarong Pambansa. Iyon ang magiging barometer namin eh,” sabi ni Aportadera, pumalit kay Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez sa nasabing opisina ng lungsod.

Noong Abril ng nakaraang taon ay pormal na inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang paghirang sa Davao City bilang host ng 2019 Palarong Pambansa.

Tinalo ng Davao City ang tatlo pang bidders na Zamboanga Province, Misamis Occidental at General Santos City.

PALARONG PAMBANSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with