Perpetual o Arellano?
Chris Co (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

NCAA Women’s Volleyball winner-take all

MANILA, Philippines — Muling susubukan ng University of Perpetual Help System Dalta na makumpleto ang triple crown sa pagharap nito sa nagdedepensang Arellano University sa rubber match ng NCAA Season 94 women’s volleyball tournament sa best-of-three championship series sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Altas at Lady Chiefs sa alas-4 ng hapon.

Naharang ang tangka ng Perpetual Help na mawalis ang lahat ng korona matapos kubrahin ng Arellano ang 23-25, 25-9, 25-18, 22-25, 15-12 pahirapang panalo sa Game 2 noong Biyernes.

Nauna nang nasungkit ng Perpetual Help ang korona sa men’s division at juniors class.

Kaya naman inaasahang ibubuhos na ng Lady Altas ang lahat upang mapasama ang kanilang paaralan sa kasaysayan ng liga bilang ikatlong nakagawa ng triple kill sa volleyball tournament.

“We’re looking at history unfolding and it’s real-ly up to us to complete it,” ani Perpetual Help head coach Macky Cariño.

Nagawa na ito ng dating NCAA member Ateneo de Manila University noong 1984 at ng San Sebastian College-Recoletos noong 1984, 1993, 1994, 1995, 1996 at 2002.

Nais din ng Lady Altas na tuldukan ang limang taong pagkauhaw nito sa titulo.

Subalit handa ang Lady Chiefs na gawin ang lahat upang muling pigilan ang tangka ng Lady Altas.

Bitbit din ng Arellano ang sariling misyon na makumpleto ang three-peat.

Hangad ng Lady Chiefs na makakuha ng malalim na inspirasyon sa kanilang Game 2 win kung saan pumutok si reigning MVP at Best Opposite Hitter awardee Necole Ebuen na nagtala ng 18 puntos at 18 digs.

Nag-step up din si outside hitter Princess Bello na nagsumite ng 18 hits habang nag-ambag sina Carla Donato at Regine Arocha ng pinagsamang 25 puntos para sa balanseng atake ng Lady Chiefs.

NCAA VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with