NLEX naka-2 sunod na panalo
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtala si NLEX big man JP Erram ng anim na blocks, kabilang ang huli laban kay Meralco veteran forward Ranidel De Ocampo sa huling limang segundo ng laro.

Sinelyuhan naman ni guard Bong Galanza ang 87-83 panalo ng Road Warriors kontra sa Bolts sa pamamagitan ng dalawang free throws sa nalalabing 4.8 segundo sa 2019 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

“I’m just thankful na tinutulungan ako ng mga teammates ko pati ‘yung mga veterans at hindi ako nahihirapan,” wika ng 6-foot-8 na si Erram na nagposte ng 12 points, 8 rebounds at 7 assists para sa NLEX. “Play smart lang talaga ako.”

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng tropa ni coach Yeng Guiao matapos simulan ang torneo sa 0-3.

Nadiskaril naman ang hangad na back-to-back wins ng Meralco.

Dahil sa matinding depensa ay walang koponang nakapagtayo ng double-digit lead hanggang makatabla ang Bolts sa 83-83 mula sa three-point shot ni De Ocampo sa huling 1:34 minuto ng fourth period.

Ang split nina JR Quiñahan, tumapos na may 16 points, at 6’7 Marion Magat ang nagbigay sa Road Warriors ng 85-83 bentahe sa natitirang 11.9 segundo.

Ang supalpal ni Erram kay De Ocampo ang nagresulta sa dalawang free throws ni Galanza sa nalalabing 4.8 segundo.

Pinamunuan ni Jarred Dillinger ang Meralco mula sa kanyang 16 points tampok ang limang triples kasunod ang 15 at 14 markers nina Chris Newsome at Reynel Hugnatan, ayon sa pagkakasunod.

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with