Sino ang isusunod ni Manny?
Chris Co (Pang-masa) - January 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang linggo matapos ang impresibong panalo ni reigning World Boxing Association (WBA) welterweight king Manny Pacquiao kay Adrien Broner, nagsulputan na ang listahan ng mga boksingerong susunod na makakalaban nito.

Ilang taon na ring isinisigaw ng buong mundo ang pangalan ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. para sa isang rematch.

Ayon sa mga eksperto, alam ng lahat na si Mayweather at sa tuwina’y iniuugnay sa pangalan ni Pacquiao dahil sa ‘unfi-nished business’ na matutuldukan lamang sa pamamagitan ng rematch.

Subalit nananatiling nakasalalay kay Mayweather kung matutuloy ang laban dahil buong-buo na inihayag ni Pacquiao na handa nitong harapin at lagyan ng lamat ang 50-0 malinis na rekord ng American fighter.

Maliban kay Mayweather, ilang pangalan pa ang nagsulputan sakaling hindi matuloy ang Pacquiao-Mayweather II.

Ito ay sina Shawn Porter, Danny Garcia at Keith Thurman - mga boksingerong hindi basta-basta na pare-parehong may nalalapit na laban.

At bawat isa sa kanila ay naghahangad ng impresibong panalo laban sa kani-kaniyang karibal upang magkaroon ng tsansang makaharap si Pacquiao at mabigyan ng ika nga’y “spotlight” ang kanilang boxing career.

Unang sasalang si Thurman na nakatakdang sagupain si Josesito Lopez ngayong araw (Linggo sa Maynila).

Nasa 30-anyos pa lamang si Thurman at nagtataglay ng impresibong 28 wins tampok ang 22 knockouts at wala pang talo.

Huling lumaban si Thurman noong 2017 nang maipagtanggol nito ang WBA super welterweight title laban kay Garcia via split decision.

Sa kabilang banda, haharapin ni Garcia si Adrian Granados sa Abril 20.

Gaya ni Thurman, 30-anyos din si Garcia subalit mas malalim ang karanasan nito tangan ang 34 panalo (20 KOs) at dalawang talo.

Nalasap ni Garcia ang kanyang ikalawang kabiguan sa kamay ni Porter noong Setyembre ng nakaraang taon via unanimous decision.

Kaya’t gigil na maka-bawi si Garcia kontra kay Granados upang maibalik ang bango ng kanyang pangalan.

Si Porter naman ang kasalukuyang WBC welterweight champion kung saan ipagtatanggol nito ang kanyang titulo sa Marso 9 laban kay Yordenis Ugas ng Cuba.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with