Thirdy Ravena sa Gilas?
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Ravena ulit ang nakatakdang makasali sa pool ng pambansang koponan na Gilas Pilipinas.

Subalit hindi ito ang Philippine Basketball Association (PBA) cager na si Kiefer kundi ang na-kababatang kapatid nito na si Thirdy mula sa Ateneo na siyang pinakamagaling na collegiate player nga-yon sa bansa.

Ayon kay head coach Yeng Guiao, posibleng si Thirdy ang kumumpleto sa 15-man pool ng Gilas para sa nalalapit na ikaa-nim at huling window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Subalit dahil student-athlete, kailangan munang makakuha ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng permiso mula sa Ateneo bago maidagdag sa naturang pool ang 22-anyos na si Thirdy.

Magugunitang nitong nakaraang taon ay naghari ang Finals Most Valuable Player (MVP) na si Thirdy sa collegiate basketball nang magtala ng 9.5 puntos, 8.0 rebounds, 7.5 assists at 2.5 blocks para sa Blue Eagles na nasungkit ang ikalawang sunod na kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines.  

Nagpasiklab din si Thirdy sa international stage nang giyahan ang fourth-place finish ng Ateneo sa William Jones Cup sa likod ng 13.0 puntos, 6.0 rebounds, 2.8 assists at 2.0 steals.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong magsasama ng non-PBA player sa Gilas dahil nakasama na rin sa 20-man pool noong nakaraang window sina Ateneo high school sensation Kai Sotto at UP star na si Ricci Rivero. 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with